Lawyer. Senator. Volunteer.

News Photo Releases Paglaki po namin gusto namin maging katulad nila kuya sa Red Cross

Paglaki po namin gusto namin maging katulad nila kuya sa Red Cross


December 03, 2020 Photo Releases
Paglaki po namin gusto namin maging katulad nila kuya sa Red Cross

Ito ang batid ng grupo ng mga kabataan habang pinanonood ang paghahanda ng kanilang mga kuya at ate sa gagawing relief distribution sa kanilang barangay.

Ilan lamang sila sa mga Catanduanons, na kahit binagyo at nagiba ang bahay, ay hindi patitinag sa pagkakaroon ng pangarap sa buhay. Nakatutuwang isipin na sa murang edad ay ninanais na nilang makatulong sa kanilang kapwa. Patunay na pag-asa at paghangad ng magandang kinabukasan ang hatid ng Red Cross sa ating kababayan, anuman dagok na tumama sa kanila.